Make your own free website on Tripod.com
Ryan logo

Ryan Fauli's Yagting Cultural Heritage Collections
hline.gif (1719 bytes)

Yagtings are invited to contribute jokes of and about the island.

Jokes, Slice of Life, Campus humor, etc..

back

Ang "Medical Certificate"
hline.gif (1719 bytes)

 

Malapit na ang pasukan noon. Marami ang nagsipagtapos ng kani-kanilang mga kurso. Isa na rito si Pedro.  Nagtapos s'ya ng pagkatitser. Isang araw naisipan nilang mag-apply ng trabaho. Nabasa nila sa diaryo na may isang eskuelahan ang nangangailang ng mga guro. Pumunta sila at nag-apply doon.  Sa lahat ng magkaklase isa si Pedro na may magandang transcipt of records sa college. Pasado lahat at wala naman s'yang naibagsak.

Nagkaroon ng interview at teaching demo. Maganda ang resulta ni Pedro. Isa s'ya sa mga napipisil na mapipili.

'Ok, All applicants are requisted to report on Monday. Bring with you your SSS Number, TIN, and Pagibig Number, and don't forget to bring your medical certificate.'  announced by the HRD staff.

Masayang umuwi ang mga magkaklase lalong lalo na si Pedro. Pero may problema s'ya kung saan kukuha ng medical certificate. Habang nasa jeep iniisip pa rin n'ya kung saan makakakuha noon, hanggang maala-ala n'ya ang kanyang pinsan na nagtratrabaho sa isang ospital.

'Tamang tama punta muna ako ss pinsan ko. siguradong nasa office pa sya ngayon.'  bulong ni Pedro.

Sa ospital...

'Oh! insan, napasyal ka.'

'Oo nga insan, may problema ako. Kailangan ko ang medical certifacate.'

'Walang problema.. madali lang dito yan, may letterhead pa ng ospital. 'ntay ka rito at pupuntahan ko yong kaibigan kong doctor.'

Pagkaraan ng ilang minuto bumalik ang pinsan.

Insan, ito na. Palagay ko naman hindi ka hihiyain ng binigay ko sa yo. Good luck ha!

Salamat insan, sa huli na ang blowout.

Lunes sa eskuelahan. Nagpasahan na ng mga dokumento ang mga aplikante. Naka-xerox pa ang mga dokumento ni Pedro. Noong hapon ding yon nagkaroon ng announcement kung sino-sino ang mapapalad na natanggap. Nabigla ang lahat, lalong lalo na si Pedro. Hindi sya natanggap.  :((

Sa bahay, malungkot si Pedro. Inilapag na lang sa mesa ang mga dokumento sa pag-apply. Napasin ng kanyang kapatid ang kanyang medical certificate. May letterhead ng isang...

   ...General Mental Hospital.

 


Bakulo ni Amang**
hline.gif (1719 bytes)

Ang Tungkod ni Amang

 

Sa eskulahan...

'Mga bata, ang leksyon natin ngayon ay tungkol sa mga bugtong. Sino-sino sa inyo ang may alam na bugtong'.

Nagtaas ng kamay si Harold.

'Ma'm, ako may alam na bugtong'.

'Sige, sabihin mo't ipapasagot natin sa 'yong mga kaklase.'

'Sayway ni Aber-aber nagsabyay sa tanang bukir.'

'Mga bata, sinong may-alam sa bugtong ni Harold?'

Walang makasagot.

'Harold, walang mkasagot sa bugtong mo. Sirit na.. ikaw na ang sumagot.'

'Hindi ko rin alam mam. Hindi rin naman sinabi ni Manong Adjie ang sagot.'

Tawanan ang mga bata. Sinagot na lang ng titser.

'Mga bata ang sagot d'yan ay rayan. Sa Filipino, daan. Isa pa, sinong pang may bugtong.'

Nagtaas naman ng kamay si Carlo, samantalang si Mon-mon na katabi niya ay inaantok at hindi nakikinig.

'Mam, mayroon din akong bugtong ito. "Bakulo ni Amang indi mabilang"'

Mga bata alam nyo ba ang sagot sa bugtong ni Carlo?

May nagtaas ng kamay at nasgot ang bugtong.

Mga bata, pagawa kayo ng bugtong sa nanay at tatay nyo. bukas itutuoly natin ang pagsagot sa mga bugtong.

Sa bahay nina Mon-mon. Iniisip pa nya kung anong asignatura ang bilin ng kanyang titser. Ang naala-ala lang nya'y bakulo.

Nanay, siling it amo titser humanan kuno ako't bakulo. Maramo kuno... siling indi mabilang'.

Nagtaka ang nanay, sinugod ang titser ni Mon-mon.

**this is a true to life campus humor


Ang Soft Drinks Straw
hline.gif (1719 bytes)

Ayon sa kwento ng may karanasan.

 

Panahon noon ni Guy and Pip, Vilma Santos, Edgar Mortiz, Beatles at ng mga hippies. Buhay at sikat pa noon ang lungsod ng Maynila 'di tulad ngayon na parang decaying city. Noon class ang Escolta, Savory Fried chicken... mayroon pa ba? Electronic and appliance center pa ang Raon.

Noong mga panahong yon, status symbol na sa Banton kung makarating ka ng Maynila at makapagtrabaho. May isang miembro ng pamilya noon na pinalad na makapgtrabaho sa Maynila. Pagkaraan ng ilang taon sumunod ang isa pang kapatid. Nanirahan sila sa Manuguit, Tondo. Di nagtagal, umuwi ng Banton at isinama sa   Maynila ang kanilang ama at isang kapatid na babae. Ipinasyal sa Luneta tapos idinaan sa Quiapo underpass. Tuwang tuwa ang matanda, may maipagyayabang na rin sa wakas pag-uwi ng Banton.

Nang pauwi na dumaan sa Raon sa isang restaurant. Umorder ng pagkain may kasamang soft drinks. Ang soft drinks straw noon daw ay gawa sa papel, na pagmatagal ng nakababad sa soft drinks ay lumalambot. Masayang kumakain ang mag-anak. Matagal ding nakababad ang papel na straw. 

Tatay, pag ing-uhaw ka kinang soft drinks...imo kina. Gamita kinang straw....
Hariin kag straw?... Ingga kina't kuman ah!
(nagtataka ang anak na babae.)

Niong straw kato?

Katong pay talingyas...

Ay nak asi? Ina-uno kato? Ay ako ing kaoney... katam-is ngani.

(ngeee!!....)

 



Ang Kwento Tungkol Kay Ginoong F. F.*
hline.gif (1719 bytes)


Setyembre, fiesta noon sa Banton. Maraming dumarayong mangangalakal (peryantes) noon. Taga ibang bayan galing Marinduque, Lucena at iba pang bayan. Masaya ang mga tao sa pamamasyal. Sa may plaza maraming mga tao ang namimili ng mga kagamitang pangkusina.Tuwing fiesta lang nakakapamili ng mga kubyertos ang mga taga isla. Si Lolong Puhin naroon din namimili at nakikinig sa mga kwentuhan ng tindera at isang lalaking mamimili. Para maging malapit sa taga-isla ang isang tindera, s'ya ang unang nag-uumpisa ng kwentuhan.

'Balita ko lahat ng apilyedo rito nagsisimula sa letter "F"', umpisa ni Aleng Tindera.

'Oo nga ho, katunayan ho apilyedo ko nag-uumpisa sa letter "F"', sabad ng taga isla - si Ginoong F. F.

'Balita ko rin masisipag, magagalang at higit sa lahat mapagkakatiwalaan ang mga tao rito.', puri naman ng Tindera.

'Ay talaga ho. Kasi halos lahat dito'y magkakilala. Kaya nakakahiya naman kung gumawa ka ng masama at mabalita ka.", si Ginoong F. F.

'Talaga ho. Halos lahat kayo'y mag-kakilala!', anang Tindera.

'Kahit itanong n'yo ho sa Postmaster namin. Kilala lahat n'ya. Pati ho ng pulis dito. Tutal malapit ka lang naman sa munisipyo puede mong itanong.', pagmamayabang ni Ginoong F.F.

'Ay salamat naman. Kahit pala may umutang dito madaling hanapin.', masayang pakli ng Tindera.

'Siempre naman. Bakit ho ba, nagpaputang kayo?', bulalas ni G. F.F.

'Tutal isang linggo naman kami rito puede, basta bumalik s'ya bago maglapas. Ipapahanap ko s'ya sa pulis pag di s'ya bumalik", anang Tindera.

'Ako ho puedeng umutang?', presenta ni G. F. F.

'Sa tingin ko naman mapagkakatiwalaan ko kayo, puede ho. Ano bang kunkunin n'yo?', tanong ng Tindera.

'Kaldero, kawali at plantsa. (di-uling pa 'yon noon)', masayang sabad ni G. F. F.

'Sigi pumili na ho kayo dyan.' , sabay turo sa paninda ng Tindera.

'Ano ho bang pangalan n'yo?', tanong ng Tindera sabay sulat ng pangalan sakuaderno.

'Ako ho si F....... F.......', sagot ni G. F. F.

Masayang umuwi si G. F. F., samantalang panatag naman ang loob ng tindera dahil letter "F" nga naman ang umutang. Hindi lang isang "F" kundi dalawa pa.

Pagkaraan ng dalawang araw hindi pa bumabalik si G. F. F. Hanggang katapusan ng fiesta ay wala pa. Pumunta si Tindera sa munisipyo. Malapit lang kasi sa plaza 'yon. Pagdating n'ya sa munisipyo agad n'yang nireport sa pulis ang pangalan ng umutang.

'Huwag kayong mag-alala misis. Ano ho bang pangalan ng umutang?', tanong ng pulis.

'Si ano ho raw s'ya.... si Fatucar Fabisong.', mangiyak-ngiyak na sabi ni tindera.

Sa sinabi ng Tindera, napakamot na lang sa batok ang pulis.

 

*Ang ibig sabihin ng patukar ay papunta sa bukid. (Fatucar)
  Ang pabisong ay palusong sa bayan. (Fabisong)