![]() |
Ryan
Fauli's Yagting Cultural Heritage Collections |
|
Essays, Short Stories and others |
![]() |
Mga
Talinghaga![]() |
||||||
Ang Talinghaga ng
Estudyanteng Taga Isla![]() |
||||||
Nanay, Nanay... may bago akong kantang natutunan sa school namin. Itinuro sa amin ng music teacher. English pa nga 'nay.. at dalawa pa. Sige nga anak, kantahin mo. Ito inay, ganito 'yon makining kayo.
Ano pa yong isa? Ito pa yong isa. Makinig uli kayo.
Alam mo anak, may ginawa ring kanta ang isang apo ni Lolo Hones. Katulad rin ito ng English na itinuro sa inyo. Pagmamahal din ito sa bukid. Ito makinig ka.
Oh, di ba magandang kanta, sariling atin pa. Sige matulog na nga tayo. "Apo ko... hindi sa lahat ng panahon ay sagana ang ani ng bukid at karagatan. Gumawa ka ng paraan para sa kinabukasan ng iyong mga anak....." Ha!... Lolo Hones.... Lolo Hones.... Lolo Hones... opo... opo... Inay, inay, gising!... nanaginip kayo. Tinatawag n'yo si Ingkong Hones. Ha!... panaginip lang pala. Pero parang totoo. Di bale susundin ko na lang ang utos ni Lolo Hones. Bakit inay... ano bang sabi sa 'yo ni Ingkong Hones? Wala anak, matulog ka na lang at ipagheheli kita.
Bago yong kanta n'yo inay. Gawa rin ba yan ng isa sa mga apo ni Ingkong Hones? Oo anak, isa-isip at isadiwa mo na lang ang bawat mensahe. Pagkaraan ng labimpitong taon.... Inay... 'andito na ako. Sa wakas inay natapos ko na rin ang aking pag-aaral. Sa awa at tulong ng Dios isa na akong titser. Salamat sa Dios anak. Matutulungan mo na rin ang isa mong kapatid. At alam mo inay, may regalo ako sa 'yo. Sobra ito sa mga allowance ko. Isang radio/casette para sa iyo. Para naman may mapaglilibangan kayo sa bukid. Salamat anak. Sige patugtugin mo nga... Ito inay, makinig kayo't isa-isip at isadiwa ang mensahe...
Ba't kayo umiiyak inay... Hindi nyo ba nagustuhan yong kanta? Wala ito anak. Naalala ko lang ang panaginip ko tungkol sa habilin ni Ingkong Hones mo, labimpitong taon na ang nakakaraan.
|
||||||
Ka Dating
Rayan![]() |
||
Dito sa Pinas pagadating sa usapang relihiyon ay marami tayong mapapakinggan sa TV at radio. Isa na rito ay ang *Ang Dating Daan* sa TV (i'm not plugging nor a member of this ). Sikat po ito at sa katunayan po ay ginaya at ginawan ng isang spoof na programa rin sa TV at naging sikat din, *Ang Dating Doon*. Sa Dating Daan, ang mga manunuod ay pueding magtanong ng mga katanungang pangrelihiyon. Ito'y sasagutin naman ayon sa mga nakasulat sa biblia. Sa Ang Dating Doon, ang tanong ay mga buhay buhay at ang mga sagot ay kuha naman sa mga nursery rhyme, pinoy quotes, kawikaan, kanta, tula at iba pa. Gagawan ko rin po ito ng spoof na "Ka Dating Rayan" Ito po ang tanong:
Talaga pong may kakulangan na tayo ng mga magsasaka sa Romblon. Sa Banton po ay halos wala ng nagbubungkal ng bukid. May hula ba ito noon pa? Sagot, ayon sa nababasa: Ayon sa salmo ng ating mga ninuno ito ang mababasa:
Ayan po, malinaw po na may mababasa. Sa pagkasanggol pa lang natin ay maririnig na sa duyan ang mga kantang ito ng ating mga ninuo. Kaya nga po paglaki ng mga bata ay nakatimo na sa kanilang mga isip ang hirap ng pagsasaka. Ituloy po natin ang pagbasa,
Ayon dito sa huling talata, sinasabing mabuti pang mag-aral at magtapos ng pagkamaestro. At sa ngayon po sa dami ng nagsipagtapos ng pagkatitser ay wala na rin silang mapasukan. May iba po bang talata na nagpapatunay sa hirap ng *pagbugaw* (pagbantay sa bukid)? |
||
![]()
|
||
Ituloy po natin ang pagsubaybay sa
"Ka Dating Rayan". Sa unang bahagi sa itaas, tinalakay natin ang kahirapan sa
pagsasaka sa bukid. May katutuhanan po ba na mahirap ang *pagbugaw? Tingnan po natin sa
mga kasulatan na iniwan ng ating mga ninuo. Ayon sa kanilang salmo ay ito ang mababasa:
Malinaw po di ba? Alam nating lahat kung gaano kalaking pinsala ang nagagawa ng mga unggoy sa ating mga pananim - niyog, saging, mais at iba pa. Kaya bago pa lamang makarating sa bukid ang mga ito ay inaabangan na nila. Ikaw ba naman ang salubungin na isang batalyon ng mga unggoy. Ano pa ang mga kadahilanan at mahirap ang magbubukid sa bayan natin. Ito'y dahil rin sa bagyo. Lagi tayong dinadalaw ng bagyo at malalakas na hangin. Noong isang araw lang po'y ang romblon ay dinalaw ng bagyo. May mababasa po ba na talagang malalakas na hangin at bagyo ang dadalaw sa Romblon? Mayroon po tayong mababasa, ito po:
Ayan po, malinaw na malinaw na ang hanging dumadaan sa romblon ay talagang malalakas. Katunayan po'y kahit mga baka'y kayang paluhurin sa paglalakad. Sa literal lang pong pagkaunawa. |
||
![]()
|
||
Sa mga nagtatanong kung anon ang Biniray,
ang biniray po ay fluvial parade - patronal procession sa dagat o sa ilog. Sa romblon ang
Sto. Nino ay may biniray din. Sa Bicol parang Feast of Penafrancia, (tama po ba ako?).
Noong unang panahon pa man ay mayroon ng biniray sa Banton, taon-taon po ito tuwing
kapisatahan ni Sr. Sn Nicolas. Ang isla ng Banton, Simara at Sibale ay tinatawag nating
'maghali' dahil karaminhan ditoy magkakamag-anak ang mga nakatira at galing pong Banton.
At tuwing fiesta ang bangkang sinasakyan ng patron, sa kanilang paglalalayag ay
dapat makarating sa laot kung saan matatanaw ang isa sa mga islang ito. Ang Sibali at
Simara po'y hindi natatanaw sa bayan ng banton. Kailangan pumalaot pa ang sasakayan at
pumakabila sa may Simara upang matanaw ito. May legend kasi ng kung hindi matanaw ng
patron ang isla ng Simara ay nagkakaroon ng sakuna, bagyo at iba pa sa Banton.
Hanggang ngayon po'y ginagawa pa ito. Tanong po.
Sagot.
Paliwanag po'y ito: Ituloy po natin ang basa.
Hindi na po kailangan ang paliwanag, dahil maliwanag na di ba? Ayan po, natupad ang kanilang mga adhikain. Nagkaroon po ng biniray sa Manila, 17 taon na. |
||
![]()
|
||
*Paalala: ito po'y ginawa upang magbalik aral lamang sa nagdaang kultura ng ating bayan, at hindi para siraan ang programang "Ang Dating Daan" sa TV. |