Ryan
Fauli's Yagting Cultural Heritage Collections |
||
Jokes, Slice of Life, Campus humor, etc.. |
Ang
"Medical Certificate" |
||
Malapit na ang pasukan noon. Marami ang nagsipagtapos ng kani-kanilang mga kurso. Isa na rito si Pedro. Nagtapos s'ya ng pagkatitser. Isang araw naisipan nilang mag-apply ng trabaho. Nabasa nila sa diaryo na may isang eskuelahan ang nangangailang ng mga guro. Pumunta sila at nag-apply doon. Sa lahat ng magkaklase isa si Pedro na may magandang transcipt of records sa college. Pasado lahat at wala naman s'yang naibagsak. Nagkaroon ng interview at teaching demo. Maganda ang resulta ni Pedro. Isa s'ya sa mga napipisil na mapipili.
Masayang umuwi ang mga magkaklase lalong lalo na si Pedro. Pero may problema s'ya kung saan kukuha ng medical certificate. Habang nasa jeep iniisip pa rin n'ya kung saan makakakuha noon, hanggang maala-ala n'ya ang kanyang pinsan na nagtratrabaho sa isang ospital.
Sa ospital...
Pagkaraan ng ilang minuto bumalik ang pinsan.
Lunes sa eskuelahan. Nagpasahan na ng mga dokumento ang mga aplikante. Naka-xerox pa ang mga dokumento ni Pedro. Noong hapon ding yon nagkaroon ng announcement kung sino-sino ang mapapalad na natanggap. Nabigla ang lahat, lalong lalo na si Pedro. Hindi sya natanggap. :(( Sa bahay, malungkot si Pedro. Inilapag na lang sa mesa ang mga dokumento sa pag-apply. Napasin ng kanyang kapatid ang kanyang medical certificate. May letterhead ng isang... ...General Mental Hospital.
|
||
Bakulo ni
Amang** |
||
Ang Tungkod ni Amang |
||
Sa eskulahan...
Nagtaas ng kamay si Harold.
Walang makasagot.
Tawanan ang mga bata. Sinagot na lang ng titser.
Nagtaas naman ng kamay si Carlo, samantalang si Mon-mon na katabi niya ay inaantok at hindi nakikinig.
May nagtaas ng kamay at nasgot ang bugtong.
Sa bahay nina Mon-mon. Iniisip pa nya kung anong asignatura ang bilin ng kanyang titser. Ang naala-ala lang nya'y bakulo.
Nagtaka ang nanay, sinugod ang titser ni Mon-mon. **this is a true to life campus humor |
Ang Soft Drinks
Straw |
||
Panahon noon ni Guy and Pip, Vilma Santos, Edgar Mortiz, Beatles at ng mga hippies. Buhay at sikat pa noon ang lungsod ng Maynila 'di tulad ngayon na parang decaying city. Noon class ang Escolta, Savory Fried chicken... mayroon pa ba? Electronic and appliance center pa ang Raon. Noong mga panahong yon, status symbol na sa Banton kung makarating ka ng Maynila at makapagtrabaho. May isang miembro ng pamilya noon na pinalad na makapgtrabaho sa Maynila. Pagkaraan ng ilang taon sumunod ang isa pang kapatid. Nanirahan sila sa Manuguit, Tondo. Di nagtagal, umuwi ng Banton at isinama sa Maynila ang kanilang ama at isang kapatid na babae. Ipinasyal sa Luneta tapos idinaan sa Quiapo underpass. Tuwang tuwa ang matanda, may maipagyayabang na rin sa wakas pag-uwi ng Banton. Nang pauwi na dumaan sa Raon sa isang restaurant. Umorder ng pagkain may kasamang soft drinks. Ang soft drinks straw noon daw ay gawa sa papel, na pagmatagal ng nakababad sa soft drinks ay lumalambot. Masayang kumakain ang mag-anak. Matagal ding nakababad ang papel na straw.
(ngeee!!....)
|
||
|
||
Setyembre, fiesta noon sa Banton. Maraming dumarayong mangangalakal (peryantes) noon. Taga ibang bayan galing Marinduque, Lucena at iba pang bayan. Masaya ang mga tao sa pamamasyal. Sa may plaza maraming mga tao ang namimili ng mga kagamitang pangkusina.Tuwing fiesta lang nakakapamili ng mga kubyertos ang mga taga isla. Si Lolong Puhin naroon din namimili at nakikinig sa mga kwentuhan ng tindera at isang lalaking mamimili. Para maging malapit sa taga-isla ang isang tindera, s'ya ang unang nag-uumpisa ng kwentuhan.
Masayang umuwi si G. F. F., samantalang panatag naman ang loob ng tindera dahil letter "F" nga naman ang umutang. Hindi lang isang "F" kundi dalawa pa. Pagkaraan ng dalawang araw hindi pa bumabalik si G. F. F. Hanggang katapusan ng fiesta ay wala pa. Pumunta si Tindera sa munisipyo. Malapit lang kasi sa plaza 'yon. Pagdating n'ya sa munisipyo agad n'yang nireport sa pulis ang pangalan ng umutang.
Sa sinabi ng Tindera, napakamot na lang sa batok ang pulis.
|
||
*Ang ibig sabihin ng patukar ay
papunta sa bukid. (Fatucar) Ang pabisong ay palusong sa bayan. (Fabisong) |
||